3 sundalo, patay; 4 pa sugatan PANANAMBANG SA IFUGAO

TATLO ANG NASAWI habang apat pang sundalo ang sugatan sa engkwentro sa bayan ng Asipulo, Ifugao noong Sabado.

Sa ulat na ipinarating ni Col. Miguel Puyao, Civil Military Operations ng 5th Infantry Division ng Philippine Army, dakong 10:35 ng umaga naganap ang pananambang sa Alpha Company sa pamumuno ng isang Lt. Bernadino sa Bgy. Kawayan.

Ayon kay Puyao, nagtungo ang mga tropa sa lugar, bitbit ang mga pako, martilyo at lagari para sa isang humanitary mission partikular ang pagtulong sa mga residente na nawasak ang mga bahay dahil sinalanta ng bagyo ang mga ito.

Subalit nakasalubong ng tropa ang mga armadong lalaki na hinihinalang mIyembro ng New People’s Army (NPA)  sa pamumuno ng isang Binayang Casimiro at dito nagsimula ang labanan.

Hindi naman pinangalanan ang mga sundalong nasawi at mga nasugatan dahil kailangan munang ipaalam sa kanilang mga kaanak ang sinapit ng mga ito.

Kinondena ng militar ang ginawang pananambang ng mga rebelde sa mga sundalo na nais lamang tumulong sa mga kababayang nasalanta ng bagyo. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.