3 Sugatan sa Salpukan ng Tricycle at Truck

SUGATAN ANG tatlong pasahero ng tricycle matapos itong bumangga sa isang dump truck sa Kamias Road sa Quezon City.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Kimberly Balenzoga, 16-anyos; Patricia Manlangit, 15; at ang driver ng traysikel na si Carlo Datalio, 20.

Agad namang naisugod sa pagamutan si Manlangit pero natagalan pa bago matanggal sa pagkakaipit ang dalawa.

Sinabi ng mga nakasaksi na tila nagpapasikat at pinapaangat pa ng driver ang sidecar nito ng tricyle.

Samantala, kuhang-kuha naman sa closed circuit television (CCTV) camera na nag-overtake pa ang tricycle sa isang jeep dahilan para kainin nito ang isang lane at salpukin ang kasalubong na dump truck.

Sa ngayon, nahaharap ang driver ng trak na si Romeo Gutierrez sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Properties at Multiple Physical Injuries.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.