3 Sugatan sa Pamamaril ng Parak

TATLO ANG sugatan ma-tapos tamaan ng bala nang magpaputok ng baril ang isang off-duty police sa isang grupo ng mga bo-tanteng magpaparehistro sa Bayang, Lanao del Sur.

Kinilala ang salarin na si PO1 Abdul Hani Balt na mabilis na tumakas matapos ang nangyaring insidente.

Patuloy naman ang isinasagawang pagsisiyasat at manhunt operation ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa nasabing suspek.

Sa kabila nito, itinutu-ring naman ng Commission on Elections (Comelec) na mapayapa pa rin sa pangkalahatan ang isinasagawang proseso sa Auto-nomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) maliban na lamang sa karaniwang suliranin tulad ng cluste-

ring at paghahanap ng magpaparehistro sa kani-lang mga registration centers. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.