3 Sugatan sa Pagbangga ng Sasakyan sa Pader

TATLO ANG sugatan sa sasakyan na bumangga sa pader ng bahay sa Santa Barbara, Iloilo.

Sa pagsisiyasat ng mga kinauukulan, bigla na lang lumiko pabalik ang sasakyan na Ford Focus Ghia na minamaneho ni Freddie Canilla, 31 anyos, sakay ang dalawang anak nito na sina Shania Gabrielle Canilla, 6 anyos; at Hubert Javen Canilla, 3 anyos.

Bigla na lang sinalakay ng sasakyan ang bakod at binanggaan ang pader ng bahay na pagmamay-ari ni Buenaventura Sortigosa sa Barangay Bulong Oeste, Santa Barbara.

Ayon kay PO1 Sekorski Amado, ng Santa Barbara Municipal Police Station, papauwi na sana sa Brgy. Cadagmayan Sur, Santa Barbara ang pamilya Canilla nang mangyari ang aksidente.

Nagtamo ang mga ito ng minor injuries at agad na isinugod sa Western Visayas Sanitarium.

Isa sa mga anak ng pamilya ang nagka-trauma dahil sa nangyari, dagdag pa ni Amado.

Maliban dito, wala nang naiulat na nasugatan sa naturang insidente. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.