3 Sasakyan, Nagkarambola sa Quezon; 2 Sugatan

DALAWANG KATAO ang nasugatan matapos magkarambola ang tatlong sasakyan sa Lopez, Quezon.

Base sa report ng Quezon Police Provincial Office, nabatid na binabaybay umano ng wing van na minamaneho ni Abel Zaldua ang kahabaan ng daan sa bahagi ng Barangay Calantipayan mula bayan ng Calauag patungong Gumaca nang biglang huminto ang nasa unahan nitong pampasaherong jeep upang magpasakay ng pasahero.

Sa biglang pagpreno ng wing van, nabundol ng nakasunod ditong motorsiklo ang hulihang bahagi ng sasakyan.

Bunsod nito, nasugatan ang 17-anyos na driver ng motorsiklo na hindi na pinangalanan pa maging ang kanyang backride na 17-anyos din.

Samantala, kaagad namang naisugod sa malapit na pagamutan ang dalawa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.