3 Pulis, Suspek sa Pag-Ambush sa Brgy. Chairman, 2 bodyguard

 

POSITIBONG KINILALA ng mga biktima ang tatlong pulis na suspek sa nangyaring pag-ambush na ikinasugat ng kapitan ng barangay at pagkakasawi sa dalawa nitong bodyguard nito lamang Pebrero 6, sa Brgy. San Juan, San Miguel, Bulacan.

Sa ulat ng Task Force Alvarez, kay Senior Supt. Fernando Mendez Jr., Bulacan police director, kinilala ang mga suspek na sina SPO2 Angelito Vera Cruz Liwag, PO3 Antonino Timoteo at PO1 Alex Dayao, pawang nakatalaga sa San Miguel Police Station; isang alias Sherwin at isang Jane Doe.

Natukoy ang tatlo matapos na boluntaryong sumuko ang isa sa mga suspek na si PO3 Timoteo at isinalaysay ang tunay na nangyari.

Bukod dito positibong itinuro ng mga biktimang sina Sta. Ines barangay chairman Bong Alvarez, Pascualito Banquillo at Fortunato Bacual ang mga suspek na sina PO2 Liwag at PO3 Timoteo habang kinilala naman si PO1 Dayao sa pamamagitan ng kanyang litrato sa pulis line-up.

Matatandaang nakaligtas sa ambush si Alvarez at hindi naman pinalad ang dalawa niyang bodyguard na nasawi na sina Ruel Vidal, 52, ng Bgy. Tibagan at Josefino Alvarez, ng Brgy. Sta.Ines, sa pananambang na naganap sa isang spa.

Kaugnay nito, detenido sa Camp Alejo detention cell si SPO2 Liwag, habang tinutugis pa ng mga awtoridad ang iba pang sangkot sa krimen habang sinampahan na ng kasong 2 counts of murder at 2 counts of attempted murder sa Office of the Provincial Prosecutor’s office.         (TONY DELA PEÑA)

 

 

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.