3 Pulis-Pasay, Hinuli ng mga Kabaro

SWAK SA kulungan ang tatlong Pasay City Police matapos ireklamo ng illegal arrest, incriminatory machination at robbery extortion sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga suspek na sina PO1’s Willie Castro; Alvin Permejo; at Ronel Agustin, pawang ng Pasay City Police.

Nabatid na alas-10 ng gabi, dinala sa Caloocan City Police sina Albert Apigo, 28; at Angelito Reyes, 33, kapwa ng Batasan Hills, Quezon City matapos ireklamo ng pangdurukot kay Jerry Belen ng Caloocan City.

Makalipas ang ilang sandali ay sumulpot si Cathy Tayoto, 27, na ka-live-in ni Apigo at sinabing nagbigay ng P7,500 kay Agustin kapalit ng kalayaan nito.

Dahil dito, naghinala ang mga imbestigador ng Caloocan City at hindi pinayagang makaalis ang mga pulis ng Pasay City dahil sa akusasyon ni Tayoto.

Ayon pa kay Tayoto, alas-4 kamakalawa ng hapon, tinawagan siya ni Agustin na humihingi ng P20,000 kapalit ng kalayaan ni Apigo kung saan nakatawad at nag-abutan ng pera sa Jollibee Monumento ng lungsod.

Inabot ni Tayoto ang P7,500 at kinuha pa ni Agustin ang cellphone ng una bago umalis.

Nang hindi na bumalik si Agustin ay nagpunta sa Caloocan City Police si Tayoto at nakita ang ka-live-in.

Lumalabas sa medical certification nina Apigo na sa Pasay City General Hospital galing kung kaya hindi sa Caloocan City naganap ang pangdurukot umano ng mga una na naging dahilan upang sampahan ng kasong illegal arrest at incriminatory machination sina Castro at Permejo habang nadagdagan ng kasong robbery extortion si Agustin.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.