3 preso, nakatakas sa Caloocan City Jail

TATLONG PRESO ANG nakatakas sa Caloocan City Jail sa pamamagitan ng pagtalon sa bubong ng mga katabing bahay ng jail sa nasabing lungsod kahapon ng umaga.

Nakilala lang ang mga nakatakas na preso sa mga alyas na Allen, may kasong robbery; Reggie, may kasong concealing deadly weapon at Mac-Mac na may kasong snatching.

Nabatid na alas-2:30 ng umaga nang makapuga ang mga preso sa Caloocan City Jail sa Tanigue St., ng lungsod.

Sa nakalap na impormasyon, nakaakyat ng bubong ng jail ang mga pumuga na naging dahilan upang makatawid ng bakod hanggang sa tumulay sa mga bubong ng mga katabing bahay.

Hanggang sa kasalukuyan naman, hindi pa nakukuha ang panig ng jail warden na si Supt. Lyndon Torres hinggil sa naganap na pagtakas sa nabanggit na piitan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.