3 Pisak sa Truck sa N.E.

MALAGIM ANG SINAPIT ng tatlong lalaki nang dalawang beses na araruhin ng truck sa bayan ng Muñoz sa Nueva Ecija kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat na ipinarating ni Spo3 Efren Cara, hepe ng Munoz Municipal Police, alas-3 ng madaling-araw nang banggain ng isang truck ang mga biktima na lulan ng motorsiklo sa Maharlika Highway sakop ng Muñoz.

Makaraang mabundol, isa pang paparating na trailer truck ang sumagasa sa tatlo dahilan para madurog ang katawan ng dalawang biktima.

Naisugod naman sa Rural Health Unit ng bayan ang isa pa subalit namatay rin habang nilalapatan ng lunas.

Isa sa namatay ay nakuhanan ng identification card kung saan kinilala ito bilang si Benjie Gatus, residente ng Barangay Tanauan, San Jose City.

Kusang-loob namang sumuko ang driver ng trailer truck at sinabing  hindi niya napansin ang tatlo dahil nakahandusay na ito nang kanyang masagasaan.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.