3 Pinoy sa Saudi, positive sa MERS-CoV

TATLONG PINOY nurses ang naging bagong biktima ng Midde East Respiratory Syndrome coronavirus (MERS-CoV).

Ang nasabing mga Pinoy ay kinabibilangan ng 28-anyos na babaeng nurse na nagtatrabaho sa Dr. Sulaiman Al-Habib Hospital sa Riyadh. Pero hindi umano ito nakitaan ng anumang sintoma ng naturang virus.

Ang dalawa pang Pinoy worker na nagpositibo rin sa MERS-CoV ay kapwa nagtatrabaho sa Al-Noor Hospital sa Makkah. Ang isa sa mga ito ay 40-anyos na babae na nagkaroon ng contact sa isang pasyente na nakapitan ng virus pero hindi rin nakitaan ng anumang sintomas.

Nakitaan naman ng mild respiratory symptom ang isang 30-anyos na Pinoy nurse na nakuha ang virus sa isang pasyenteng nagpositibo sa MERS, pero ngayon ay stable na ang kalusugan.

Kabilang ang tatlong mga Pinoy sa 14 na bagong kaso ng MERS-CoV na naitala sa Saudi Arabia.

Sinabi ng Saudi Ministry of Health na umaabot na sa 92 ang binawian ng buhay sa coronavirus sa nabanggit na bansa.

Sa kabila naman ng patuloy na pagdami ng kaso, tiniyak ng Saudi government na hindi pa naging epidemya ang nasabing sakit.

Samantala, nag-alok din ang World Health Organization na magpadala ng mga eksperto sa Saudi para magsiyasat sa “evolving risk” ng pagkalat ng naturang virus.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.