3 Pinoy, patay sa aksidente sa Saudi

TATLONG OVERSEAS Filipino workers (OFWs) ang namatay sa isang aksidente matapos umanong pumutok ang isang gulong ng kanilang sinasakyang pick-up truck noong Huwebes  sa Jeddah, Saudi Arabia.

Lumalabas sa report na nakarating sa Embahada ng Pilipinas, kinilala ang mga binawian ng buhay na sina Gerardo Bernal, Jenefrey Monteclaro, at isa pang hindi napangalanan, pawang mga mekaniko at Karamuddin Dimalaya, isang company driver.

Ang biktima ay idineklarang patay sa King Fajad Hospital sa Jeddah.

Ang tatlong Pinoy ay pawang empleyado ng Mohammad Munsour Al Bassami Group Construction.

Napag-alaman na dakong alas-6 ng gabi noong Huwebes habang pauwi na ang mga biktima kasama ang pitong iba pa mula Dahban, may 140 kilometro mula Jeddah City Center, nang bigla na lamang suma-

bog ang gulong ng kanilang sinasakyang pick-up.

Samantala, dahil sa bilis at lakas ng impact, tumilapon ang mga sakay ng behikulo sanhi ng tinamong matitinding pinsala sa katawan ng mga biktima na agad nilang ikinasawi.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.