3 Patay sa Shootout sa Cagayan

TATLO SA APAT na armadong lalaki ang nasawi nang makipagbakbakan sa pulisya sa Cagayan, kahapon ng madaling-araw.

Sa sketchy report na nakarating kay PNP Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz, nabatid na dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang maganap ang shootout sa Brgy. Minanga, sa bayan ng Peñablanca.

Nagpapatrolya ang mga pulis nang matiyempuhan ang apat na lalaki.

Agad pinaputukan ng mga armado ang mga pulis na nagresulta sa i-lang minutong bakbakan.

Napatay ang tatlo sa mga kalaban habang nakatakas ang isa nilang kasama.

Narekober sa lugar ng insidente ang dalawang motorsiklo, dalawang caliber 45, isang Uzi machine pistol at mga bala.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.