3 Patay sa Sama ng Panahon

TATLO NA ang patay dahil sa tuluy-tuloy na pagbuhos ng ulan sa malaking bahagi ng bansa dulot ng low pressure area (LPA).

Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kasama sa mga nasawi sina Renato Moslares, 30 anyos at Ismael Montallana, 52 anyos, na tinangay ng flashflood nang umapaw ang ilog sa Oras, Eastern Samar.

Nauna nang nasawi dahil sa flashflood si Isidro Reyes, 41 anyos, matapos umapaw rin ang ilog sa Virac, Catan-duanes.

Sa report din ng NDRRMC, humupa na ang tubig-baha sa ilang bayan ng Oriental Mindoro, bagaman hindi pa madaanan ang Calapan North Road dahil sa landslide.

Bukod dito, may ilang tulay rin sa Isabela at Cagayan ang hindi madaanan dahil sa pag-apaw ng Cagayan River.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.