3 Patay sa Salpukan ng Motorsiklo at Van

TATLONG KATAO ang nasawi sa banggaan sa pagitan ng isang motorsiklo at van sa Urdaneta City, Pangasinan kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame , ang mga dead on arrival sa Urdaneta City District Hospital ay ang magpinsang sina Margie Melchor, 18 at Rochelle Baltazar 17, na pawang mga residente ng Brgy. Inamutan, Manaoag; at ang driver ng motorsiklong hindi pa nakikilala.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na sinalpok ng motorsiklo ang isang van na minamaneho ni Presco Galapon, Jr. sa bahagi ng Brgy. San Vicente pasado alas-5 ng hapon kamakalawa.

Iniwasan umano ng driver ng motorsiklo ang lubak ng kalsada subalit hindi agad nito nabawi pabalik sa linya nito ang manibela dahilan kung bakit tuluyan itong sumalpok sa kasalubong na van.

Sa lakas ng pagkakasalpok ay wasak ang motorsiklo habang nayupi naman ang unahang bahagi ng van na ikinasugat din ng driver na si Galapon, Jr.

Nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide ang driver na si Galapon, Jr.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.