3 Patay sa Pamamaril sa N. Cotabato

TATLONG KATAO ang patay nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakilalang salarin na sinasabing ka-transaksyon ng mga ito sa Pigcawayan, North Cotabato.

Kinilala ang mga biktima na sina Rolando Suarez, 32 anyos, alyas Tata at Boy kuryente; Miguel Eramis, 28 at Leo John Collados, 21; pawang residente ng Barangay Villarica sa bayan ng Midsayap.

Nangyari ang insidente sa Barangay Simsiman sa bayan ng Pigcawayan.

Nabatid na may mga ka-transaksyon ang mga biktima sa lugar subalit hindi pa malinaw kung ano ang talagang sadya ng mga ito.

Tinangay ng mga salarin ang wallet at cellphones ng tatlo.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. (EUNICE  CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.