3 Patay sa Pag-atake sa Cotabato

SINALAKAY NG hindi nakilalang armadong grupo ang Brgy. Popoyun, Tulunan, Cotabato.

Kaagad namang lumikas ang mga apektadong pamilya matapos maipit sa nasabing kaguluhan.

Batay sa ulat ng 602nd Brigade Philippine Army, gumanti ang mga CVOs sa naturang pagsalakay na nagresulta sa palitan ng putok ng dalawang kampo.

Tumagal naman ng 15 minuto ang bakbakan kung saan unang umatras ang armadong grupo.

Matapos ang nabanggit na engkuwentro, agad nagsagawa ng pursuit operation ang Tulunan-PNP kasama ang CVOs kung saan narekober ang tatlong bangkay na pinaniniwalaang ginawang human shields ng armadong grupo. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.