3 Patay sa Lunod sa La Union

TATLO ANG nasawi sa pagkakalunod habang ginugunita ang Black Saturday kamakalawa sa magkahiwalay na lugar sa La Union.

Ayon sa Bauang Municipal Police Station, nalunod umano sa Bauang River sa Barangay Boy-utan, Bauang ang isang 55-anyos na mister na si Romulo Flores, residente ng Barangay Palugsi-Limansangan sa nasabing bayan.

Naligo umano ang lasing na si Flores sa ilog kasama ang mga kaanak ngunit hindi ito nakaahon agad sa malalim na bahagi ng tubig na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Base sa report ng San Gabriel Municipal Police Station, dead on arrival sa Ilocos Training and Regional Medical Center na nakabase sa lungsod ng San Fernando ang isang 9-anyos bata na si Carlo Waggay, residente ng Barangay Poblacion, bayan ng San Gabriel, La Union matapos umano itong maligo sa Tangadan Falls sa Barangay Amontoc ng nabanggit na bayan sa lalawigan.

Batay naman sa ulat ng Bacnotan Municipal Police Station, patay na nang matagpuan sa dalampasigan ng Barangay Quirino, bayan ng Bacnotan at lumutang ang katawan ang isang 3-anyos a paslit na si Janiesha Avril Inot Libadia, residente ng Barangay Sucoc, bayan ng Narvacan, Ilocos Sur.

Sinasabing naglalaro lamang ang bata sa tubig bago ito nalunod.

Una rito, noong April 5, 2012 ay isang 7-anyos naman na bata ang namatay sa pagkakalunod matapos tangayin ng tubig ang sinasakyan nitong balsa sa Busilac River sa Barangay Paratong, bayan ng Bangar, La Union.  (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.