3 Patay sa Banggaan ng Sasakyan sa Quezon

TATLO ANG nasawi kabilang ang isang two-month old baby girl sa naganap na road accident sa may bahagi ng Quirino Highway sa Tagkawayan, Quezon bandang alas-2 kahapon ng madaling-araw.

Lumalabas sa ulat ng Tagkawayan PNP, nagsalpukan sa may kurbadang bahagi ng highway sa may Brgy. San Francisco ang isang Toyota Fortuner na patungong Norte at isang pampasaherong jeep na patungong Bicol nang maganap ang insidente.

Napag-alaman na nawalan ng kontrol ang driver ng owner type jeep na minamaneho ni Mervin Villanueva na siyang dahilan para bumangga sa Toyota Fortuner.

Samantala, kinilala ng mga awtoridad ang tatlong nasawi na sina Mervin Villanueva, ang driver ng jeep, baby girl Glyben Orolfo at Vicente Orolfo pawang mga residente ng Cabuyao, Laguna.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.