3 patay sa avatar

TATLONG LALAKI ang namatay habang sugatan ang isang totoy na nahagip ng ligaw na bala makaraang pagbabarilin ang mga una ng mga hindi pa kilalang mga miyembro ng Avatar sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Dario Orbaje, 26 ng Dulong Acero St., Tugatog ng lungsod.

Namatay naman habang ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa ulo at katawan sina Futoshi Fariñas, 21 ng Asogue st., Tugatog ng lungsod at Mark Anthony Laurente, 28, ng Bago Bantay, Quezon City.

Ginagamot naman sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa kaliwang hita si JhayV Ramos, 8, ng Acero St., Tugatog ng lungsod.

Sa ulat, alas-3:15 ng hapon, papunta ang mga biktima sa bahay ng pinsan ni Orbaje at habang naglalakad sa Dulong Acero St., Tugatog ay sumulpot ang apat na miyembro ng Avatar at pinaulanan ng bala ang mga biktima.

Nahagip naman ng ligaw na bala ang totoy na nasa malapit lang na naging dahilan upang dalhin sa mga nasabing ospital ang mga tinamaan subalit napuruhan si Orbaje. Nabatid na mga miyembro ng Sputnik gang ang mga nasawi.

Inaalam na ng mga pulis ang mga pangalan ng mga suspek na miyembro ng Avatar, kung saan noong isang linggo ay napatay ng mga una ang apat na miyembro ng Bulabog Gang.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.