3 Patay sa Ambush

TATLO KATAO ang nasawi nang tambangan ng motorcycle-riding men sa South Road Properties (SRP) Rabaya Road sa Talisay City, Cebu kamakalawa.

Kinilala ang mga namatay na sina Joshua Young, 30; Soledad Ipanto; at Virginia Sisbrino.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente kamakalawa ng hapon sa Barangay Cansojong sa Talisay City.

Tumatahak ang mga biktima sa lugar lulan ng isang van nang paulanan ng bala ng mga hindi pa nakilalang salarin.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa insidente.      (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.