3 patay, kabilang ang suspek
Canadian, Namaril sa Loob ng Korte

NASA STABLE na ang kondisyon ni Prosecutor Maria Theresa Casiño matapos barilin ng isang Canadian national na nahaharap sa kaso sa loob ng Marcelo Fernan Hall of Justice ng Provincial Capitol sa Cebu City.

Una rito, dead on the spot si Dr. Rene Rafols, isang pediatrician na naghain ng kasong malicious mischief laban sa salarin at si Atty. Jovian Achiaf, isang private prosecutor habang nasa loob sila ng Municipal City Trial Court Branch 6.

Habang nasawi rin Cebu Doctor’s Hospital ang suspek na si John Pope na nagbaril sa kanyang sarili matapos ang nasabing insidente.

Napag-alaman na nahaharap sa patung-patong na kaso si Pope kabilang na ang Malicious Mischief at Illegal Possession of Firearms.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat, may dalang itim na clutch bag ang suspek nang pumasok sa Palace of Justice building na pinaniniwalaang doon inilagay ni Pope ang kanyang 357 revolving caliber.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga kinauukulan kung paano nagawang makapagpasok ng baril ang dayuhan.

Iniutos na rin ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na suspendehin muna ang mga pagdinig sa lahat ng korte sa Hall of Justice kasunod ng madugong insidente.

Kaugnay nito, ipinadala na ni Sereno si Court Administrator Jose Maidas Marquez sa nasabing lungsod upang personal na imbestigahan ang naturang pamamaril.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.