3 Patay, 9 Sugatan sa Nag-amok na Lasing

TATLO ANG nasawi kabilang ang isang taong gulang na bata habang siyam na iba pa ang nasugatan matapos mag-amok ang isang lasing sa Barangay Cantutang, Padre Burgos, Southern Leyte, Linggo ng gabi.

Kinilala ang salarin na si Mark Junie Pelin alyas “Tambalan” na pinagtataga ang sinumang kapit-bahay nito na kanyang makikita.

Kabilang sa mga biktima ang isang taong gulang na anak ng isang pulis ng Padre Burgos habang nakaligtas naman ang asawa nito.

Samantala, kaagad namang naaresto ang suspek na dinala sa Maasin City Police Station imbes na sa detention cell ng Padre Burgos Police para maiwasan ang posibleng paghihiganti ng parak na namatayan ng anak.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.