3 patay; 3 pa sugatan sa masaker sa Cebu

CEBU – TATLONG KATAO ang nasawi habang tatlong iba pa ang sugatan sa karahasan sa isang tahanan sa Lapu-Lapu City kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Fernando Camillo, 58-anyos; Fernando Camillo II, 3; at isang Emma Larillo, mga residente ng nasabing lugar.

Patuloy namang ginagamot ang dalawang estudyanteng sugatan at isang lalaki at inaasahang ang mga ito ang makapagtuturo kung sino ang gumawa ng karumal-dumal na krimen.

Ayon sa Lapu-Lapu City PNP, pinasok ng hindi nakikilalang salarin ang tahanan ng mga biktima saka namaril gamit ang cal. 45 na pistola base sa mga nakuhang basyo ng bala.

Inalis ng pulisya ang anggulo na pagnanakaw ang mo-tibo ng krimen at posibleng pag-aaway dahil wala namang nawala sa mga pag-aari ng pamilya.

Naniniwala rin ang pulisya na kilala ng mga biktima ang pumaslang sa kanila. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.