3 patay; 23 kritikal sa pagsabog sa Iligan

 

PINANGANGAMBAHANG MADAGDAGAN pa ang bilang ng nasawi sa pagsa-bog sa Iligan City noong Sabado ng gabi.

Sa panayam kay Capt. Albert Caber, tagapagsalita ng 1st Infantry Division ng Philippine Army, as of 5:00 ng umaga kahapon ay dalawa ang kumpirmadong dead on the spot sa pagsabog habang 24 ang nasa kritikal na kondisyon.

Makalipas lamang ang ilang oras ay isa sa mga may grabeng sugat ang nasawi bunsod ng pagkaubos ng dugo.

Una nang sinabi ni Iligan City Mayor Lawrence Cruz na alas-7:57 ng gabi nang sumabog ang isang granada na itinanim sa isang sasakyan sa harapan ng El Centro KTV bar sa Quezon Avenue, Mahayahay.

Sinabi naman ni Ayon kay AFP-Wesmincom spo-kesman Lt. Col. Randolph Cabangbang, patuloy pang tinutukoy kung granada o iba pang uri ng improvised explosive device (IED) ang ginamit ng mga suspek.

Kasalukuyan namang ginagamot sa Iligan City Hospital, Sanitarium Hospital at Dr. Uy Hospital ang mga sugatang biktima.

Sa teorya ng Iligan City PNP, pananakot ang motibo ng hindi nakikilalang perpetuators dahil ipinoste ang sasakyan sa mataong lugar.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.