3 patay; 2 pa nawawala sa lumubog na bangka

TATLONG KATAO ang nasawi habang dalawang iba pa ang patuloy na pinaghahanap matapos na lumubog ang isang bangka sa lalawigan ng North Cotabato.

Base sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kinilala ang mga nasawi na sina Lilibeth Mandayas, 42; Jerry Marabe; at anak nitong si Bobby Marabe, 5 anyos; habang patuloy namang pinagha-hanap ang dalawa pa na sina Jenny Saliling, 9; at Mary Abarca, 25 anyos.

Nakaligtas naman ang 13 pang pasahero ng bangkang nawasak dahilan ng tuluyang paglubog nito sa tubig-ilog sa bahagi ng Pulangi River sakop ng Kabacan, North Cotobato.

Sa imbestigayson, alas

-7 ng umaga kahapon ng mangyari ang insidente kung saan sakay ang mga biktima na karamihan ay mga mga estudyante at guro ng Tamped Elementary School na dapat sanay dadalo lamang sa Math Olympics sa University of Southern Mindanao – Annex sa Kabacan North Cotobato.

Kinilala naman ang mga nakaligtas na sina Sofia Panambolan, 11; Christine Porcadilla, 11; Mikki Gomata, 12; Danica Panigel, 10; Dante Mandadtem, 9; Nathaniel Maninggola, 9; Jonamae Buenafe, 11; Jenecel Tomas, 11; at Jenny Ambag, 12, na pawang mga estudyante; at mga guro na sina Jenny-Vi Amella; Elvira Sepe; Ebma Escobar; at Edu Salipungan, 46 anyos.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng PNP ukol sa naturang insidente.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.