3 Patay; 15 Sugatan sa Sumalpok na Van sa Davao

DEAD ON the spot ang tatlong katao habang 15 ang sugatan matapos na sumalpok ang isang van sa nakaparadang truck sa Catalunan Pequeno, lungsod ng Davao kamakalawa ng gabi.

Base sa report na dumating sa Camp Crame, kinilala ang mga nasawi na sina Jonathan Palma, 30 anyos; Jonalyn Ulyn, 26; at Gean Virador, 4.

Habang patuloy namang nilalapatan ng lunas sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) ang mga sugatan na sina Evelyn Hayana, 29; Melecio Sasa, 59; Marilou Bacus, 18; Roger Irojales, 34; Karen Longiapon, 34; Mhariah Nichole Sevilla, 11; Kevin Cambangay, 18; Reynoso Acuña, 35; Geronimo Ceballos, 47; Marcelino Cabase, 39; Joyfel Gayano, 41; Siberian Sabio, 25; Rizza Jean Valiente, 24; at isang lalaki na nasa edad 30 hanggang 35 na hindi pa nakikilala na pawang mga nagtamo ng mga sugat sa ulo, paa at gasgas sa ilang parte ng katawan.

Sa paunang im-bestigasyon ng pulisya, nangyari ang aksidente dakong alas-7 ng gabi kamakalawa sa bahagi ng Catalunan Pequeno ng nasabing siyudad.

Nakaparada umano sa gilid ng kalsada ang dump truck ng basura nang bigla na lamang itong banggain ng pampasaherong L-300 van sakay ang mga nasabing biktima.

Hindi umano napansin ng driver ng van na si Geronimo Ceballos na nakahinto lang ang nasabing truck bukod pa sa pagkakasilaw sa ilaw ng kasalubong na sasakyan.

Kahit nasa pagamutan pa ang driver na si Ceballos ay nakatakda naman itong kasuhan ng 3 counts of murder at multiple injury.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.