3 patay, 1 sugatan sa banggaan ng 2 motorsiklo

TATLO ANG binawian ng buhay, kabilang ang tatlong-buwang buntis, habang isa naman ang patuloy na ginagamot sa pagamutan matapos magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa Brgy. Poscolon sa bayan ng San Rafael sa Iloilo bandang alas-6:30 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Oscar Daraullo; at ang live-in partners na sina Jefrey Ternura, 27-anyos at ang buntis na Rose Mae Parreno 21-anyos.

Lumalabas sa pagsisiyasat na nakainom ang magpinsang sina Oscar at Reynold Daraullo, 22-anyos, at pauwi galing ng bayan ng Barotac Viejo.

Pauwi naman sa Brgy. Poscolon ang mag-live-in mula sa bayan ng San Rafael.

Sinasabing kapwa walang ilaw ang dalawang motorsiklo at mabilis din umano ang takbo ng mga ito kaya’t nagsalpukan ang mga ito.

Yuping-yupi ang dalawang motorsiklo dahil sa lakas impact ng aksidente.

Samantala, ayon sa Iloilo Police, accident prone area ang lugar na iyon. Dahil dito, nagbabala sila sa mga motorista na huwag nang bumiyahe tuwing gabi lalo’t kung walang ilaw ang mga motorsiklo para makaiwas sa sakuna.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.