3 Paslit, Natusta sa Sunog sa Pampanga

TATLONG PASLIT ang namatay matapos masunog ang kanilang tahanan sa Pineda Subd., Dau, Mabalacat, Pampanga kamakalawa ng umaga.

Ang mga bikitima ay kinilalang sina Vincent Sunglao, 5 taong gulang; kapatid niyang si Kevin, 4 na taong gulang; at Kate Laguna, 2.

Sa salaysay ng kanilang lolong si Freddie Sunglao, iniwan niyang naglalaro ang mga biktima sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Laking gulat na lamang umano niya nang sumiklab ang apoy bandang alas-10 ng umaga.

Nagawa pang madala sa Saint Raphael Medical Center ang mga bata ngunit idineklarang patay dahil sa suffocation.

Sinisisi ni Freddie ang kabagalan sa pagresponde ng mga bumbero. Depensa naman ng Mabalacat City Fire Station, ginawa nila ang lahat ng makakaya.

Batay sa salaysay ng anim-na-taong-gulang na kapatid nina Kevin at Vincent, naglalaro ng posporo ang mga biktima, na posibleng naging dahilan ng sunog.

Gayunman, hindi pa tiyak ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang tunay na sanhi ng apoy.

Dahil dito, muling pinaalalahanan ng BFP ang mga magulang na huwag hayaang maglaro ng posporo o anumang nakakasusunog na bagay ang mga bata, lalo’t wala silang kasamang matatanda.

Ganap na alas-10:45 ng umaga nang maapula ang sunog.

Tinatayang nasa P1 mil-yon ang halaga ng pinsala ng apoy.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.