3 Paslit nalason sa bulok na bigas

TATLONG PASLIT ANG isinugod sa ospital makaraang malason ng umano’y bulok na NFA rice sa General Santos City, South Cotabato.

Sa ulat, dumanas ng matinding hilo, pananakit ng tiyan at pagdudumi ang hindi kinilalang mga paslit na ang edad ay mula sa 8 months hanggang apat na taong gulang at residente ng Brgy. Labangal.

Ayon kay Brgy. Labangal  Chairwoman Lorelie Pacquiao, hipag ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao, ipinamudmod sa mga pamilya ng biktima ang nasabing bigas sa evacuation center makaraang mabiktima ng pagbaha sa lugar.

Gayunman, ilan sa mga re-

sidente ang umaming may amoy na ang bigas at naniniwalang ito dahilan kung bakit na-food poison ang mga biktima nang gawing hapunan kamakalawa ng gabi.

Kaagad namang pinaim-bestigahan ni Lorelie ang insidente.  (EUNICE CALMA)

loading...

One thought on “3 Paslit nalason sa bulok na bigas

Leave a Reply

Your email address will not be published.