3 Pampasaherong Bus, Niratrat ng NPA

PINAGBABARIL NG mga armadong lalaki ang tatlong nakaparadang pampasaherong bus sa Salay, Misamis Oriental kamakailan.

Sinabi ng Salay Police na wala namang nasugatan sa insidente dahil nakaparada ang mga bus sa compound ng mag-asawang may-ari na sina Don at Lucy Cabales.

Agad namang kinumpirma ng New People’s Army na mga miyembro ng North Central Mindanao Command ang responsable sa pamamaril.

Paalala lang aniya ito sa kumpanya na dapat tratuhin nang maayos ang mga empleyado nito at dapat bigyan ng tamang kompensasyon.

Samantala, mariin namang pinabulaanan ng may-ari ang akusasyon ng mga rebelde.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.