3-Palapag na Ospital, Itatayo sa Navotas

UPANG MATUGUNAN ang mga pangangailangan sa pangkalusugan ng mga residente ng Navotas, magpatayo ang pamahalaang lungsod ng bagong 3-palapag na ospital sa nasabing lungsod.

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, ang ipatatayong hospital ay magkakaroon ng limangpung (50) bedroom na may aprubadong budget na P225-M at sa loob ng dalawang buwan ay uumpisahan na ang pagtatayo ng ospital na may sukat na 3,300 sq.m. lot sa Barangay San Jose.

Pinondohan ang ipatatayong ospital ng halagang ng P225-M kung saan ay pinagtibay ng isang resolusyon ng city council sa isang regular session upang matugunan ang pangangaila-ngan ng mga residente sa 14 na barangay na may populasyong 600,000.

“The new hospital, is expected to provide immediate health services to Navoteños since they will be attended for their needed health services and not go to other hospital in case of emergency cases,” sabi pa ng punong lungsod.

Inaprubahan din ng Department of Health (DOH) ang pagpapatayo ng bagong ospital sa Navotas kung saan ang isang grupo ng mga Koreano ay magdo-donate ng mga hospital equipment tulad ng X-ray machine at iba pang kagamitan sa ospital.

Idinagdag pa ni Tiangco said, “It is high time that we have a hospital in the city, to provide our people with immediate health services rather than going to other hospitals  to treat patients especially in emergency cases,” pagtatapos ng punong lungsod.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.