3 Opisyal ng DENR, Pinakakasuhan ng Ombudsman

PINAKAKASUHAN NG Ombudsman ang tatlong opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa paglabag sa Anti-Graft Law na nag-ugat sa reklamo noong 2007.

Base sa 15-pahinang review resolution, inatasan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang mga tauhan nito na kasuhan sina DENR Regional Director Regidor de Leon, Regional Director for Land Leonardo Aggabao Jr. at Engineer Fernando Clergo.

Una nang inireklamo ang tatlo nina Jaime Lazaro, Salvador Osita at Monico Waje na may-ari ng ilang lupain na sakop ng survery plans sa Barangay Bolitoc, Sta. Cruz, Zambales.

Ayon sa complainants, nagsabwatan ang tatlo sa pagkansela sa una nang inaprubahang survey plans sa obligasyon ng DMCI Holdings Inc.

Hindi anila sila binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag na isang paglabag sa due process na sinang-ayunan naman ng Ombudsman.

Samantala, bukod sa kaso, suspendido na rin ang nasabing tatlong opisyal sa loob ng isang taon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.