3 Opisyal na Sangkot sa ‘Sex-For-Fly’, Pinasisibak

HINILING NI House Committee on Overseas Workers Affairs at Akbayan Representative Walden Bello kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at Labor Sec. Rosalinda Baldoz na i-recall, sibakin at kasuhan ang tatlong opisyal ng embahada ng Pilipinas sa Damascus, Amman at Kuwait dahil umano sa pambibiktima ng mga overseas Filipino worker (OFW).

Ito’y kasunod ng isinagawang pagsisiyasat kaugnay ng naireport na “sex-for-fly” o pakiki-pagtalik kapalit ng pagpapauwi sa mga stranded at distressed OFWs.

Sinabi ni Bello na nakuha nila ang impormasyong ito sa mga sources mula Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Labor and Employment (DOLE).

Tinawag ng mambabatas ang mga sangkot na opisyal bilang predators.

Si Predator 1 aniya na tinawag na alyas “Kim” ay kabilang sa augmentation team ng DFA sa Damascus, Syria na nahuli umanong nakikipagtalik sa isang distressed OFW at nakipagrelasyon na rin sa ibang distressed OFWs na mahigpit na ipinagbabawal.

Si Predator 2 na alyas “Mario Antonio” ay mataas na kasapi ng Philippine Overseas Labor Office sa Amman na ibinubugaw ang mga kababayan. Ang mga parokyano umano nitong Palestino ay nagbabayad ng 1,000 USD kada gabi.

At si Predator 3 o alyas “Blas Marquez” ay sangkot naman sa sex-for-hire sa Kuwait. Isang contractual employee ng Philippine Overseas Labor Office na ginagamit umano ang mga kababayang nasa Filipino Workers Resource Center.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.