3 opisyal, 1 tauhan ng BJMP dinukot ng rebelde sa Bukidnon

APAT NA TAUHAN ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kabilang ang tatlong opisyal ang dinukot ng umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) habang inililipat ang walong preso sa Davao Penal Colony kahapon ng madaling-araw sa Bukidnon.

Sa ulat ni PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz, Jr., naganap dakong alas-3:30 ng madaling-araw ang insidente sa Sitio Rawari, Kitaokitao, Bukidnon.

Kinilala ang mga dinukot na sina Insp. Murphy Todyog, Insp. Erico Llmasares, SJO2 Rogelio Begontes at JO1 Rolando Bajuyo.

Dadalhin sana ng BJMP personnel ang walong preso sa Davao Penal Colony mula sa Ozamis City nang harangin sila ng 200 mga rebelde at dahil marami, nadomina nito ang mga awtoridad at nakuha ang preso na si Dennis Rodinas na may kasong illegal possesion of ammunition.

Isinama rin ng mga rebelde ang apat na BJMP personnel habang naiwan ang pitong preso.  (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.