3 Obrero, Patay sa Banggaan ng Trak at Motorsiklo

LABIS ANG pighati ng pamilya ng tatlong laborer na namatay matapos bumangga ang sinasakyan nilang truck sa nakaparadang truck sa gilid ng national highway sa Minante 1, Cauayan City.

Ang mga biktima ay sina Erwin Acoba, Ernesto Vargas at Pedro Salvador, residente ng Paliueg, City of Ilagan ngunit nagtatrabaho sa isang construction sa Cauayan City.

Base sa pagsisiyasat ng PNP Cauayan City na patungo ang tatlo dakong alas-11:00 kagabi sa Centro ng Cauayan City para bumili ng kanilang ulam nang mahagip nila ang nakaparadang truck.

Nagbunga ito ng pagtilapon ng mga biktima mula sa sinasakyang motorsiklo at nagtamo sila ng malalang sugat sa katawan na naging sanhi ng agaran kanilang kamatayan.

Samantala, sa pagtugon ng Rescue 922 ay nadala pa sa pagamutan ang mga biktima ngunit hindi na naisalba ang kanilang buhay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.