3 NPA Patay sa Engkuwentro

UMAKYAT NA sa tatlong miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nasawi habang sugatan naman ang limang kasapi ng Philippine Marine Batallion Landing Team 3 sa muling pagsiklab ng sagupaan sa pagitan ng dalawang panig sa Brgy. Lawit, Gingoog City kahapon ng umaga.

Sinabi ni 4th ID spokesman Maj. Leo Bongosia na nangyari umano ang bakbakan nang magsagawa ng security combat operation ang mga sundalo bilang paghahanda sa 2013 midterm electionsngayong araw.

Ayon kay Bongosia, hindi nila titigilan ang mga rebelde sa pagtugis hanggang tuluyang maitaboy sa naturang lungsod.

Samantala, nagpapa-tuloy pa ang pursuit ope-ration ng militar laban sa mga tumakas na rebelde.

Maaalala na isang sundalo rin ang sugatan nang makasagupa ng tropa ng pamahalaan ang ilang mga rebelde nang inilunsad ng Commission on Elections (COMELEC) ang final testing at sealing ng Precinct Count Optical Scan (PCOS) machine at election paraphernalia sa Gingoog City noong nakaraang araw.

Napag-alaman din na ilang batalyon ng sundalong Marines ang ikinalat sa nasabing Gingoog bunsod na rin ng nangyaring pananambang sa convoy noon ni Gingoog City Mayor Ruthie de Lara Guingona na ikinasawi ng dalawa nitong personal drivers na sina Nestor Velasco at Bartolome Velasco.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.