3 Notoryus na Holdaper, patay sa shootout

BOCAUE, BULACAN – DEAD on the spot ang tatlong armadong kalalakihan, makaraang makipagbarilan sa mga tauhan ng Bocaue pulis,kamakalawa ng madaling-araw, matapos masabat at makipaghabulan sa Sitio Balubaran, Brgy.Duhat sa nabanggit na bayan.

Ayon kay P/Supt. Elvis Diaz, hepe ng Bocaue Police, nagsasagawa ng follow-up operation ang kanyang mga tauhan kaugnay sa naganap na panghoholdap sa isang kainan sa Brgy. Bunlo sa bayang ito nang makatanggap sila ng impormasyon na may tatlong armado na lulan ng motorsiklo ang naka-standby sa nabanggit na sitio.

Ilang minuto ang lumipas, umalingawngaw na ang palitan ng putok ng baril sa naturang lugar. Dakong alas-3:55 ng ma-daling -araw nang tumimbuwang ang mga suspek na umano’y mga miyembro ng “Allan Blas Group” na sangkot sa sunud-sunod na holdapan sa Meycau-yan, San Jose del Monte, Sta Maria, Marilao, Balagtas, Norzagaray, at Pandi.

Makalipas ang tatlong minutong palitan ng putok, na-recover mula sa mga suspek ang isang cal. 357, isang hand granade at dawalang cal. 38, at mga bala.

Habang sinusulat ang balitang ito, wala pang mga pangalan ang napatay na mga suspek.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.