3 nilamon ng Laguna Lake

TATLO ANG nasawi ma-tapos malunod sa bahagi ng Laguna Lake, kamakailan.

Sabado ng gabi nang matagpuan ang labi ng mga biktimang sina Regelyn Policarpio, 11 anyos; John Patricio, 13; at Abigail Babon, 14.

Base sa salaysay ng nag-iisang nakaligtas sa pagkalunod na si Mary Grace Dublon, 12 anyos, Sabado ng umaga nang maligo silang pitong magkakaibigan sa bahagi ng nasabing lawa.

Ayon sa dalagita, naunang umuwi ang dalawa pa nilang mga kaibigan.

Nagkapit-kamay aniya sila habang nakalublob sa Laguna Lake nang madulas at lumubog sa putik ang paa ng isa nilang kasama.

Nakaligtas lamang ang biktima nang bumitiw sa tatlong kaibigan at masaklolohan ng kasamahan.

Sa ngayon, nakaburol na ang mga nasawing biktima sa kani-kanilang bahay sa Upper Bicutan, Taguig City.

Masama naman ang loob ng naulilang pamilya ng mga biktima dahil sa kawalan ng warning signs sa paligid ng lawa.

Samantala, nagbigay na ng tulong ang pamahalaang lokal ng Taguig sa pamilya ng mga nasawi.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.