3 natutulog, pinaulan ng bala, tigok

NATULOG NA for life ang tatlong katao makaraang pagbabarilin sa kanilang kahimbingan sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga nasawi na sina Jionie Ralla, 32 anyos, may asawa at residente ng Poblacion; Melissa Fente, 32 anyos, may asawa, residente ng Barangay T’kunel; at Harold Sorella, 35 anyos, single, residente ng Barangay Poblacion, pawang mula sa bayan ng Lake Sebu.

Ayon sa sinagawang pagsisiyasat ng Lake Sebu PNP nakikitulog lamang ang dalawang biktima na sina Ralla at Fente sa ta-hanan ni Sorella kamakalawa ng gabi.

Bigla na lamang umanong dumating ang mga armadong kalalakihan at pinasok ang tinutuluyan ng mga biktima at doon ay walang awang pinagbabaril.

Narekober ng mga tauhan ng PNP Scene of the Crime Operatives ang tatlong empty shells ng caliber. 45 na armas.

Samantala, nanatiling blangko ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng mga sumalakay na suspek habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa motibo ng mga suspek sa pagbaril sa mga biktima.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.