3 mobile patrol car, ipinamahagi sa pulisya.

TATLO PANG BAGONG mobile car patrol ang ibinigay ng Pamahalaang lungsod ng Navotas para mas lalo pang bumaba ang antas ng krimen sa nasabing lungsod.

Umaabot sa P3 milyon ang halaga ng mga bagong patrol cars mula sa Priority Development Assistance Fund ni Navotas City Lone District Representative Toby Tiangco.

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, may 13 mobile patrol cars na ang Navotas Police Station at ang lahat ay nilagyan ng global positioning system (GPS).

Sa pamamagitan ng GPS, malalaman kung ginagamit lamang ng mga pulis ang mga patrol cars sa pagbubulakbol.

Sa makabagong teknolohiya, madali ring mahuhuli ang gumagawa ng krimen sa Navotas City, gamit ang GPS.

Base sa datos, umaabot sa 192 ang bilang ng pulis-Navotas at may kabuuang 265,000 population.

Si Fr. Constantino Conti, kura paroko ng Barangay San Jose Parish Church, ang nagbendisyon sa mga nasabing mobile patrol.

Dumalo rin sa nasabing okasyon sina Northern Police District (NPD) director P/ Chief Supt. Antonio Decano at P/ Sr. Supt. Florendo Quebuyen, hepe ng Navotas Police Station.  (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.