3 Miyembrong pamilya, patay sa killer bus

PATAY ANG MAG-ASAWA at isa pang kaanak nang mabangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang pampasaherong bus sa Gingoog City, Misamis Oriental.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima na sina Abdul Dariday misis na si Rosnia at hipag na si Nora Tandayaw.

Ayon kay Gingoog City police station director Supt. Isaias Bacurnay, Jr., lulan ng motorsiklo ang mga biktima nang sumalpok ito sa Bachelor bus na may body # 3652 at may plakang MVL -493.

Naganap ang insidente dakong alas-7 ng gabi sa  sa National Highway ng Barangay Agay-Ayan sa natu-rang lungsod.

Dahil sa lakas ng impact, hindi na nakarating nang buhay sa pagamutan ang mga biktima at binawian na sila ng buhay.

Sinasabing sa takot ay tumakas ang driver na si Catalino Badana subalit sumuko rin makaraan ang ilang oras na nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Homicide.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.