3 miyembro ng Salisi Gang, timbog sa NLEX

KULONG ANG tatlong katao makaraang mahuli sa akto ng mga nagrorondang  tauhan ng Provincial Public Safety Company(PPSC) matapos salisihan ang isang negosyante sa fastfood chain sa gasoline station sakop ng Brgy. Burol 2nd sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa Balagtas,Bulacan, kamakalawa ng umaga.

Sa ulat na ipinadala ni PPSC Company Commander P/Supt. Fitz Macariola kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Alexander Melari Y Gutierrez, 43 anyos; at Elizabeth Abao Y Dominisac, 47 anyos, kapwa ng # 192 Cuneta Compound, Brgy. San Nicolas, Bacoor, Cavite; at Mary Grace Cruz Y Sanchez, 35 anyos, ng Bustos, Bulacan; samantalang ang biktima ay nakilalang si Maxima Ignacio, residente ng Villamor Air Base, Pasay City.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga pulis, dakong alas-11:45 ng umaga, kasalukuyan silang kumakain ng kanyang anak sa isang fastfood nang bigla na lamang mawala ang kanyang shoulder bag.

Nabatid na agad na humingi ng tulong ang biktima, kung saan umiiyak itong nagsisigaw ng tulong, na agad namang nirespondehan ng mga tauhan ng public safety company ng Camp Gen. Alejo Santos.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.