3 miyembro ng MILF lost command, timbog

UMISKOR ANG TROPA ng pamahalaan laban sa lost command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) makaraang bumagsak sa kamay ng mga awtoridad  ang tatlong miyembro nito nang maglunsad ng airstrikes ang militar sa bayan ng Payao, Zamboanga Sibugay.

Tumanggi munang pa-ngalanan ng militar ang tatlong naaresto.

Kinumpirma ni AFP-Western Mindanao Command spokesman Lt. Col. Randolf Cabangbang na pawang miyembro ang tatlo ng MILF Lost Command na pinamumunuan ni Waning Abdulsalam.

Samantala, nagpadala na aniya ang Armed Forces ng naval blockade sa lugar at ipinosisyon na ang mga tropa sa mga karatig-barangay upang hindi makatakas ang grupo ni Waning.

Dakong alas-11:30 kamakalawa nang simulan ng mga awtoridad ang law enforcement operations laban sa mga rebelled, kung saan umabot na sa 8 ang patay.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.