3 miyembro ng media, inambus

LIGTAS SA kalawit ng kamatayan ang tatlong miyembro ng media sa Marawi City.

Kinilala ang mga ito na sina Sunny Sundaria ng Mindanao Daily Newspaper, Jessie Mongcal at Honeylyn Abellanosa ng Asian Journal na pawang mga miyembro ng Cagayan de Oro Press Club (COPC) sa Marawi City.

Sa imbestigasyon, kagagaling lamang ng tatlo sa tahanan ni Lanao del Sur 1st District Cong. Hussein Pangandaman nang pagbabarilin sila ng riding-in-tandem.

Sa salaysay ng mga biktima, dalawang armadong lalaki sakay ng motorsiklo ang lumapit sa kanila at pinaulanan ng bala ang kanilang sinaksakyang taxi na minamaneho ni Marcial Estrada, Jr.

Dagdag pa ng mga biktima, nahinto lamang ang pamamaril nang sila ay sumigaw at nagpakilalang media.

Ligtas nang nakauwi sa siyudad ang mga biktima at kasalukuyang iniim-bestigahan ng COPC kung ano ang motibo sa pana-nambang sa mga ito.

(E. CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.