3 Miyembro ng ‘Gapos Gang’, Utas sa Engkwentro

PATAY ANG tatlong hinihinalang kasapi ng “Gapos Gang” matapos maka-engkwentro ang mga pulis sa Alfonso, Cavite.

Sinabi ni Police Chief Inspector Romulo Dimaya, hepe ng Alfonso Police na isang concerned citizen ang tumawag sa kanila na may isang bahay sa Barangay Manggas ang pinagnakawan ng armadong grupo.

Agad rumesponde ang mga awtoridad kung saan inabutang nakagapos sa bahay ang mag-asawang Nelson at Rosel Casambros, dalawang anak at tatlong kasambahay.

Papatakas na sana ang mga salarin nang maaktuhan ng iba pang pulis.

Sinubukan pang pasukuin ni Dimaya ang mga salarin pero nagpaputok ang mga ito kaya nagpalitan ng putok ang dalawang kampo.

Samantala, narekober sa mga suspek ang isang granada, dalawang kalibre .38 baril at mga gamit ng mga biktima.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.