3 Miyembro ng ‘Bahala Na Gang’, Dakip

ARESTADO ANG tatlong kasapi ng umano’y “Bahala Na Gang” matapos itong manghablot ng wallet na may lamang P7,000 sa Maynila.

Diretso sa piitan ang magkakaibigang suspek na sina alyas Macmac, 17-anyos, Edgar Mendoza at Romalyn Iligan.

Sinabi ni Senior Insp. Salvador Tangdol, Chief ng Theft at Robbery Department ng Manila Police District (MPD) na magbabayad sana sa tindero ng yosi ang hindi nakilalang biktima kaya inilabas ang wallet nang hablutin ni Macmac at ipinasa sa kasamahan.

Aminado naman si Macmac sa ginawa at agad humingi ng tawad sa biktima.

Samantala, itinatanggi naman nina Mendoza at Iligan ang pakikipagsabwatan kay Macmac.

Nananawagan naman ang pulisya sa iba pang nabiktima ng grupo na magsadya sa presinto para maidagdag sa kanilang kaso.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.