3 Miyembro ng Akyat-Bahay, Sakote

KULONG ANG tatlong miyembro ng akyat bahay makaraang maaktuhan ang mga suspek ng may-ari ng bahay na kanilang pinagnanakawan sa Caloocan City kamakalawa ng gabi

Kinilala ng mga awtoridad ang mga naarestong suspek na sina Micahel Sanchez, 29; Renato Sison, 33, pawang residente ng # 139, 9th Ave., West Grace Park, Barangay 63; at Ronald Lagrimas, 28, ng # 144 9th Ave., Grace Park, Brgy. 63 ng nabanggit na lungsod

Samantala, kinilala rin ng pulisya ang biktimang si Mary Ann Nolasco, 45, biyuda, kapit-bahay ng mga naarestong suspek.

Base sa ulat ng Caloocan PNP, dakong alas-6:00 ng gabi nang maaresto ang mga nasabing suspek sa aktong pinagnanakawa ang biktima.

Nabatid na nang makarating ang biktima sa harap ng kanyang bahay, naaninagan nito mula sa kanyang gate ang mga aninong gu-magalaw.

Dahil dito kaagad na humingi ng tulong ang biktima sa kanyang mga kapit-bahay na mabilis namang ini-report sa kanilang barangay.

Sa aktong papalabas na ang mga suspek ay mabilis na dinakma ng mga awtoridad ang mga kaawatan at nakuha sa mga ito ang isang Acer laptop na nagkakaha-laga ng P40,000, dalawang wristwatch na may tatak na Police na may halagang P7,000 ang isa, ilan pang wristwatch na may tatak na Patek Phillip na nagkakahalaga ng P20,000 at isang Sony PSP na may halagang P20,000.

Ang mga suspek ay detinido ngayon sa Caloocan City Police Headquaters at nahaharap sa kasong Robbery Force Upon Things.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.