3 Miyembro ng Acetylene Gang, Timbog sa Nueva Ecija

KALABOSO ANG tatlong miyembro ng vault-cutter gang, o kilala rin bilang notorious acetylene gang, na nag-o-operate sa ba-hagi ng Central at Northern Luzon, Lunes ng gabi.

Ayon kay S/Supt. Roberto Aliggayu, Police Director ng Nueva Ecija, nahuli ang 3 suspek dakong alas-9:20 ng gabi matapos na pasukin at pagnakawan ng mga ito ang isang pawnshop at money transfer sa bahagi ng Barangay D.L. Maglanoc, Nueva Ecija.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Pedro Polides, 39 anyos, residente ng Poblacion Norte, Del Pilar, Ilocos Sur; Joe Apalet, 38, ng Poblacion, San Ramon, Sigay, Ilocos Sur; at Oscar Docyogen, 34 ng Trancoville, Baguio City.

Sinabi ni Aliggayu na nakita ng isang Annaliza Antonio ang ginawang pagtalon ng 3 suspek mula sa bubungan ng pinasok na pawnshop, na agad na itinimbre sa mga awtoridad.

Agad namang rumesponde ang mga awtoridad kung saan nabulaga ang 3 suspek kaya ‘di na nagawa pang makatakbo at makatakas.

Nakuha sa mga suspek ang isang 12.0 capacity vault cutter (na nasa 32 inches ang haba), 1 acetylene mini tank na kumpleto ng accessories, 1 super “kalan” mini tank , 1 “molye”, 2 “bareta de cabra”, 1 12-inch adjustable wrench, 1 16-inch galvanized scissor, 1 manual drill na mayroong anim na drill bits, at iba pang mga gamit ng suspek.

Umaabot naman sa 1 cellphone, at 3,000 pesos na cash lamang na nakulimbat ng 3 suspek mula sa nasabing pawnshop.

Sa ngayon, inaalam na ng mga awtoridad ang iba pang nabiktima ng mga suspek para maidagdag sa kasong ihaharap laban sa tatlo.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.