3 minasaker sa Las Piñas

TATLONG KATAO ang natagpuang patay kahapon ng umaga sa bahay na pag-aari ng Banco Filipino sa BF Homes, Las Piñas City.

Pasado alas-6 ng umaga nang magsidatingan ang mga elemento ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Southern Police District (SPD) kaugnay sa nangyaring massacre.

Ayon kay Supt. Romulo Sapitula ng Las Piñas City Police Office, tatlo ang natagpuan nilang patay sa crime scene. Nabatid na kabilang sa mga nasawi sa naganap na massacre ay sina security guard David Maguira, retired SPO2 Melvin Padaca, at PO3 Luisito Macatunao, pawang security detail ni Bobby Aguirre, may-ari ng nagsarang Banco Filipino.

Samantala, hawak na ng mga kinauukulan ang may-ari ng motorsiklong kabilang sa sinakyan ng mga salarin na kumitil sa tatlong security detail ni Aguirre.

Ayon sa may-ari ng motorsiklo, na-carnap ang kanyang motor kamakalawa kung saan agad nitong pina-blotter sa pulisya.

Sinabi ni Supt. Sapitula na makatutulong sa kani-lang pagsisiyasat ang pag-lutang ng may-ari ng motorsiklong pinaniniwalaang ginamit ng mga salarin.

Sinilip na rin ng mga awtoridad ang kuha ng CCTV ng kapit-bahay ng mga biktima kung saan lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat na aabot ng siyam na katao ang suspek na sumugod sa bahay ng negosyante. (EUNICE CALMA/ PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.