3 Minasaker sa Batangas

TATLO ANG namatay kabilang ang 82-anyos na biyudo matapos na patayin ng drayber nito sa Ibaan, Batangas Linggo ng gabi.

Kinilala ni Ibaan Police Chief Rosen Naparato Jr. ang matanda na si Armando Caringal at pamangking mag-asawa na sina Vincent Salibio, 28-anyos, at Cesline Macatangay, 21, pawang residente ng Barangay Poblacion.

Nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima kung saan agad nasawi sina Caringal at Macatangay habang naisugod pa sa Queen Mary Hospital si Salibio.

Agad namang nadakip ang salarin na si Neil Ashley Diama, 20-anyos; pinaghahanap naman ang kasabwat nitong si Angelito Panganiban.

Inamin naman ni Diama na si Salibio lang ang target niyang patayin. Matagal na aniya silang may alitan at nagpaplastikan lamang.

Umamin din itong lango sila sa alak nang isagawa ang pamamaslang.

Samantala, sinampahan na ng kasong multiple murder si Diama na kasaluku-yang nakakulong sa Ibaan Police Station.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.